Ako c Mark bago ko po ishare ang aking bagong story gusto ko
po muna mag pasalamat sayo kuya allen at pinag bigyan mo ulit akong mag bahagi
ng aking kwentong pag ibig.thank you so much po.
isa po akong bi at nag umpisa po ang aking kwento sa
isang inuman dito parin sa bansang qatar kung saan ako nag tatrabaho. inuman
kung saan ay may pinakilala sakin ang kasamahan ko sa trabaho na isang poging
lalaki na kausap nya sa isang videocall ,at iyon pala ay kanyang pamangkin na
itago nalang natin sa pangalang JR, 22 year old sya non at kasalukuyang
pinoproseso ang papel para maka pag trabaho din dito sa qatar kasama namin.
month of july non, tanda ko ng una ko syang makita virtually
at sobra akong na attract sa kapogian nya. mula nga noon ay nag umpisa na akong
hanapin ang name nya sa facebook ng tito nya at nakita ko nga sya at doon ay
nag umpisa nadin ako mag stalk sa kanya sa facebook. halos araw araw ako nag
check ng fb nya non kuya allen at nalaman ko din na may gf na pala xa that
time.
lumipas ang halos 2 buwan ay nalaman ko na naka alis na pala
sya sa pinas at lumipad na patungo dito sa qatar. 2021 noon at pandemic pa dito
sa qatar kaya kinailangan nya munang mag quarantine ng 10 days. mula sa pag pasok
nya sa quarantine ay inabangan ko na ang pag labas nya at pag dating dito sa
accommodation namin. nag absent talaga ako para for the 1st time ma meet ko sya
ng personal. hindi pa nya ako kilala noon at hindi din nya ako natandaan ng
akoy pinakilala ng tito nya.
kya naman ng dumating sya dto sa accommodation, agad ako
lumabas ng room at sinalubong sya umaga ng mga araw na yun, kaya inalok ko muna
sya mag kape at pina unlakan naman nya ang offer ko. dun nga ay kinamusta ko
sya at mejo nag taka at alam ko agad ang name nya, grabe mas pogi sya sa
personal at sobrang yummy. kinabukasan ay friday na at day off namin iyon kaya
naman napa sabak agad sya sa inuman kasama namin ng mga tito nya.
mula sa inuman nayon nag umpisa ako mag pakilala sa kanya
bilang isang lalaki kuya allen, at doon ay malimit ko sya ayain sa inuman at
ganon din sya sakin. lumipas ang mga ilang buwan at sobrang close na namin at
ramdam ko na masaya sya pag kasama ako, lagi ko sya binibiro sa mga bakla,
maging sa mga babae din. at sa tagal na nga ng aming pag chachat ay nabiro ko
na xa tungkol sa tunay kong kasarian at hindi naman sya nag pakita ng pag
kailang sakin bagkos ay pinuri pa nya ako sa pagiging totoo ko.
july 2 2022 ng nag chat ako sa kanya ng bebe dahil sabi ko
baby na kita ngaun, na iinlove na ako sayo sabay tawa ko... at nagulat ako sa
sinabi nya na, ok lang daw sa kanya, at doon nga ay natanong ako sa kanya kung
ano yung ok, at sinabi nya na ok lang daw na maging kami basta sikreto lang
muna dahil ayaw nya na malaman ng 2 nyang tito na kasama namin sa
trabaho.tuwang tuwa ako noon at halos hindi ako mka paniwala sa ng yareng pag
tanggap nya sakin mula nga non ay pinakita ko sa kanya kung paano ako mag mahal
at mag care at sobra naman nyang na appreciate lahat ng un at kahit patago ang
relasyon kahit pano ay nagiging sweet naman kami sa isat isa,
pag walang nakakakita malimit ay kiss palang ang kaya namin gawin, dahil narin sa pag iingat pero october 8 2022 birthday ko ay nagulat ako sa sinabi nya na may regalo daw sya sakin nag tanong ako kung ano ung gift nya dahil sabi ko wag na sya mag abala. habang nag didiwang ako ng birthday ko ay binulungan nya ako na mag absent kami kinabukasan at doon daw ay bibigay nya ang gift nya napaisip ako sabi ko sa sarili ko kung eto naba yung inaantay kong bagay na matagal ko ng gusto hingin sa kanya. umaga ng october 9 non katapos lang namin mag breakfast at ako naman ay naka tapos nadin maligo.
after non ay parang
mas tumatag pa ung relasyon namin at sinabi nya sakin na patunay daw nya sakin
yon na totoo din yung pag mamahal nya sakin. sa ngayon ay 5 moths na kami at
mag kasama nadin kami sa work helper ko sya at ako naman ang kanyang fixer sa
trabaho namin.
lalo pang tumitibay ang samahan namin sa ngayon dahil nag give up ako sa pag punta ko ng europe para sa kanya dahil ayoko syang maiwan dto sa qatar at ayaw din nya ako na umalis ng hindi ko sya kasama. sya na ang pinaka the best sa lahat ng naging karelasyon ko kaya naman gumawa ako ng paraan na maisama ko sa pag alis ko at kasalukuyan na nga na natakbo ang apply naming pareho sa europe. sa ngayon ay patuloy lang ang aming masayang pag sasama ang mahalaga sa ngayon ay matibay ang mag mamahalan namin kahit wala maxado nakaka alam nito.
hanggang dito nalang muna kuya allen sana po ay magustuhan
nyo ang bago kong kwento maraming salamat po :)
0 Comments