Summer sa Romblon | kwento ni dominic *2 | dear kuya allen

 


Napakainit ng panahon ngayon Kuya Allen at kasing init ng aking kwento. Kagaya po ng aking nabanggit dun sa first time experience story ko na Dekada 80, ang amin pong probinsiya ay Romblon. Sina Mama at Papa ay parehong taga-Romblon. Ako nga ay nagpapasalamat sa mga Vlogger at sa KMJS sapagkat unti-unting nakikilala na ang aming lalawigan.

Aside from being "Marble Capital of the Phils.", ay sa Romblon din matatagpuan ang Blue Hole na na-feature na din sa maraming Vlogs and travel shows. Hindi din kami magpapatalo sa white sand beach with long sand bar like BonBon Beach na noon ay free entrance po and dahil madami ng turistang nagpupunta kaya ngayon may entrance fee na,! Ang "Tinagong Dagat" ay samin din matatagpuan, ito ay maliit na bahagi ng dagat na matatagpuan sa ibabaw ng bundok and this place is really enchanted, bawal magturo or pumuna ng mga kakaibang isda , ibon or anupaman at baka ikaw ay ma-engkanto. Meron ding Mt. Guiting-Guiting na favorite ng mga foreign hikers dahil nga sa ito ay "Virgin Forest" pa located in Sibuyan Island.

Matagal na din akong hindi nakauwi ng Romblon dahil nga busy sa trabaho dito sa Metro Manila. 

Isang araw naisipan kong mag relax and chill at bigla kong naisip na umuwi ng probinsiya.

Pagdating sa Port of Batangas ay kaagad akong pumila upang bumili ng ticket sa barko. Pinili ko ang Cabin para aircon kahit na mas mahal ng 500 sa regular ticket. Buwan ng April kaya naman sobrang init talaga Kuya Allen. May dalawang oras pa bago umalis ang barko. Nagpalit muna ako ng pantaas at nagpahid ng wet wipes sa face to refresh. Pagtapos ay umakyat ako sa 3rd deck ng barko upang magpahangin. 

May lalaking nakatayo sa gilid ng railings. Mga 5'7" ang height niya, lamang lang ng kalahating pulgada sakin kasi nga 5'6.5" po ako Kuya Allen. Astigin ang mukha niya, may manipis na balbas at malamlam na mga mata. Naka puting polo siya na half-open ang butones kaya makiikita mo ang gumagapang na manipis na balahibo sa kanyang dibdib na bumagay naman sa black denim sports short niya. Naku Kuya Allen, mahilig pa naman ako sa balbon. Mukha siyang suplado sa unang tingin pero gaya nga ng kasabihan... "smile and the world will smile back at you!" kaya tinapunan ko siya ng isang matamis na ngiti habang papalapit ako.

Napatingin siya na parang nagtataka. Magkakilala ba tayo? Ang tanong niya. 

Oo kilala kita, nakita na kita, kagabi... sa panaginip ko hehehe! Joke lang po Kuya masyado kang seryoso. Wait baka bigla mo akong sapakin huh, hindi ka naman cguro homophobic?

Anong homophobic? Ang tanong niya.

Ibig sabihin ay galit sa LGBT or gay. Bakit gay ka ba? ang sabi niya. 

Hindi mo kasi naitatanong Kuya Allen pero in person hindi ako halatang gay. Maliban na lang kung close ko na yung tao ayun yung boses ko nagbabago hahaha! Bumibigay sabi nga!

Mag 6pm na nun kaya palubog na ang araw. How romantic, kung jowa ko sana ito si Kuyang balbon taz holding hands kami while watching sunset eh di amazing.  Uy, natulala ka na diyan..., di mo na sinagot tanong ko! 

Ah oo Pre, gay ako may problema ba sayo? Sagot ko. Hahaha! Sabay tumawa siya. Joker ka pala?

Lalo siyang pumogi nang siya ay ngumiti. Haaaaaay!

Diyan ka na nga, duty ko na kasi dito sa barko. Assign ako ngayon sa pantry. Wait, Dominic nga pala sabay abot ng kamay ko. Ah Sir, Jay po name ko. Mamya hahanapin kita sabay ngiti ko, napangisi naman siya na may halong pilyong tingin. Ikaw bahala Sir Dominic.

Pagkatapos ko maghapunan ng baon kong pork adobo at nilagang itlog ay dali-dali akong bumaba sa pantry area. Hinahanap ng mga mata ko si Jay pero wala akong nakitang Jay. Babae ang nakatao sa snack section at walang anumang bakas ni Jay. 

Bigla akong nalungkot pero hindi nawalan ng pag-asa Kuya Allen. Sinundan ko mga staff ng barko at simpleng bumaba sa ibabang deck. Narinig ko ang tawanan ng mga lalaking nagbibiruan sa isang crew cabin. At narinig ang pamilyar na boses, at ayun may walong lalaking nagsisiksikan sa masikip na room na may dalawang double deck. Hi po, ang nahihiya kong sabi. Pwede po makitagay? 

Naku bawal po kayo dito Sir, pang crew lang po kasi ito sabi ng isang maliit na lalaki. Ah ganun po ba, sorry ang sabi ko. Ako bahala, sagot ko si Sir Dominic ang sabi ni Jay sabay kindat.

Kahit mausok dahil sa yosi at bawal sa asthma ko ay attack pa rin ako Kuya Allen sa ngalan ng PagIbig hahaha! Umupo ako sa gilid sa tabi ni Jay.

Masarap at masaya po palang kainuman ang mga marino, may creepy stories na supernatural experience nila sa barko, tapos napunta naman sa comedy kasi yung maliit na lalaki nilang kasama eh joker pala. Nung lumalim na ang gabi ay ayun napunta na sa berdeng biruan. Sabi ko, Jay akala ko ba duty ka sa pantry eh bakit nagpunta ako dun babae naman nakabantay. Ah si Candy, naki-swap ako ng duty sa kanya kasi nga eto nag-aya mga kolokoys ng inuman eh.

Ayaw mo ba? Tanong ni Jay habang naka-ngisi. 

Sira ka talaga Jay, ako pa ba ayaw eh dba hinanap pa nga kita at umabot pa nga ako dito sa restricted area for us passengers? Hahaha! Sabay kaming natawa. Ayun na nga, limang bote ng litro light brandy ang naubos namin tapos ay nagpaalam si Jay na maliligo siya saglit pampababa ng tama! Ah cge, ang sagot ko habang may planong namumuo sa malikot kong imahinasyon. Pagkababa ni Jay upang tumungo sa shower area for crew ay palihim akong sumunod. 

Ewan ko ba Kuya Allen pero naisipan kong pumunta muna ng pantry upang bumili ng isang kaha ng yosi although hindi naman ako smoker. Tapos ay nagmadali akong bumaba papunta sa shower area. Pagdating ko sa ibaba ay ayun nakita ko siyang nag-shashampoo sa maliit na siwang ng pinto. May isa pang crew na naliligo din ngunit mukhang patapos na dahil nagtutuyo na ito ng buhok at katawan at ng lumabas na ng pinto yung isang crew ay siya namang pasok ko. Sakto solo namin ang shower area kaya naman ni-lock ko agad ang pinto. 

Nakita ko si Jay na nagsisimula ng magsabon ng katawan. Habang papalapit ako ay nakita niya ako kaagad at halatang nagulat siya pero kita mo din na may excitement sa mukha niya. Ang shower area ay may tatlong shower head pero walang cubicle kaya naman madali niya akong nakita. Uy Sir Dominic, bakit ka nandito eh bawal dito? Ah bawal ba? Ayaw mo ba na nandito ako? Pwede pero depende, stsaka sya pilyong tumawa hehehe! At ayun na nga alam na, mukhang may kapalit na halaga ang sabi ng isip ko. Gusto mo ako na magsabon habang pinag-uusapan natin yung depende Jay?  Ang alok ko.

Oo ba Sir Dominic, pakisabon ng likod ko kasi hindi ko maabot eh sabay abot niya sakin ng sabon. Sinabon ko ng dahan-dahan ang likod niya na tila ba nananaginip ako. Dala ba ito ng alak o talagang mainit lang sa shower room dahil walang gaanong ventilation?! Habang sinasabon ko ang likod niya ay nagulat ako dahil humarap siya bigla. Eh sa dibdib  Sir Dominic pwede ba magpasabon? 

Bakit eh abot mo naman dibdib mo Jay? Patay malisya kong tanong. Ayaw mo ba? Ang tanong na sagot siya. Pwede pero sa isang kondisyon, ang sagot ko.

Anong kondisyon Sir Dominic. Yun eh kung Dominic na lang ang itatawag mo sakin, alisin mo na ang Sir kasi hindi mo naman ako teacher at lalong hindi mo ako boss.

Ah ganun ba cge Baby Dominic na lang hehehe!

Pilyo pero mas gusto ko yan, ang sagot ko.

Habang sinasabon ko ang kanyang dibdib ay may napansin akong nagagalit. Hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin . Hinawakan niya ako sa ulo na tila gusto niya akong lumuhod, Kinakabahan ako at the same time ay excited po Kuya Allen nung mga oras na iyon. At kahit madumi at basang-basa ang floor ay akma na akong luluhod ngunit biglang may kumatok sa pinto.

Haaaaist bigla akong napabuntong-hininga.

Ituloy natin sa kwarto ang bulong niya, duon sa kaninang room na pinag-inuman natin. Hintayin mo ako dun. Ah cge, sure ang sabi ko sabay lakad papuntang pinto upang buksan ito. Uy, kayo ha bakit kayo nag-lolock? Si Little Mr. Joker pala na ksamahan nilang crew ang kumatok. Ssssssssh ang sabi ko, sabay abot ng isang kahang sigarilyo.

Now I know, ito pala ang purpose nung nabili kong yosi kanina. Pagkatapos ng 2 minutes na paghihintay ay dumating na si Jay na nakatapis lang ng tuwalya. Lalong lumutang ang kaguwapuhan nito. Ambango,. 

Isinara niya agad ang pinto ng kwarto at pinatay ang ilaw. Sira ang lock ng doorknob kaya iniharang niya na lang ang isang monoblock sa pinto. Tanging flashlight lamang mula sa kanyang cellphone ang ilaw namin na tinakpan ng manipis na panyo.

Sa wakas, walang istorbo at naganap ang dapat mangyari. Iba rin pala ang pakiramdam kapag wala ka sa comfort zone mo. Yung tipong anytime baka may makahuli sa inyo. 

Iba rin ang nagagawa ng suhol kahit na yosi lang ito sapagkat binantayan pala kami ng joker niyang crew mate sa pinto to make sure na walang abala.

Halos wala man akong tulog sa barko ay masaya naman ako at natupad ang isa sa mga checklist ko na makakilala ng isang marino at may maganap na magandang bagay sa barko.


Post a Comment

0 Comments