Hindi parin sapat kay Jowa | Dear kuya Allen Blog

 



Dear Kuya Allen,

Itago niyo nalang po ako sa pangalang Jacob from Davao city, 33 years old at miyembro po ako ng LGBT

Isang gabi na nasa bar ako kasama ang mga kaibigan ko. Ay may pinakilala sa akin isang lalaki (Anthony) not his real name. Ang gwapo niya kaya nabighani ako, pero i found out na may asawa na siya at anak.

 Lumalabas kami, dinner date, mag inuman hanggang sa dumating yong araw na napag usapan namin ang status naming dalawa. Kaya yon naging kami. Nagmahal ako ng taong may pamilya na, pero ok lang sa akin yon kasi nga mahal ko, patago kami pag nagtatawagan. Ayaw ko rin naman malaman ng asawa niya. 

I provided him everything sa kaya ko, inunawa ko siya sa lahat ng bagay. Priority ko siya sa araw araw. Ang dami kong nalaman tungkol sa past niya pero lahat yon tinanggap ko. kasi tapos na. 

isang gabi habang nag iinuman kami may nag message sa kanya na bakla. Nabasa ko kasi magkatabi kami. Tinanong ko siya pero todo deny and only to find out hindi lang pala ako ang bakla sa buhay niya. Marami kami. kaya nasaktan ako ang bigat sa pakiramdam yong hindi ka enough. Minahal ko siya ng buo hindi ako nagkulang. lahat binigay ko. 

Nagkasama kami ng asawa at anak niya sa isang okasyon. ok lang naman wala akong selos na nararamdaman bagkos nakokonsensya ako dahil mabait ang asawa niya sa akin. 

Mahal ko siya at ayaw kong mawala siya. Pero dumating na sa punto na pagod na pagod na ako. kaya ako na mismo ang lumayo sa kanya. Pero mahal ko pa 😔 

Sana mabigyan Nyo po ako ng payo. Salamat po

Post a Comment

0 Comments