Nang magmulat ako ng mata kinabukasan ay mataas na ang sikat ng araw. Nakahanda na si Tito Jules na pumasok sa kanyang trabaho nang bumangon ako, nakasuot na ng kanyang uniporme. May inihanda na rin siyang almusal sa mesa.
Hindi pa ako nakakatulog nang maayos at parang may bigat sa aking mga mata. Hindi ko na nasagot nang maayos si Tito nang magpaalam ito sa akin bago umalis. Iniwan niya ang susi sa akin baka raw may kailangan akong puntahan sa labas.
Pinilit kong lumabas ng kama at nag-almusal. Nagbihis lang ako ng puting Polo Shirt at itim na pantalon. Sinuot ko rin ang itim na Flamingo Top Sider para medyo mukhang pormal. Hindi ko masyadong kinain ang niluto ni Tito dahil nagmamadali ako at wala rin akong gana.
Bago ako lumabas ay tiningnan ko muna kung nakasara ang pintuan ng kwarto ni Tito Jules. Napansin ko ang mga titig ng mga estudyanteng kasama niya sa boarding house kaya nahiya ako. Pagkatapos kong mag-file ng mga papeles sa PRC ay dumaan muna ako sa palengke. May tatlong araw pa bago mag-simula ang review. Bumili ako ng gulay, karne, at iba pang mga pang-stock.
Pagdating ko sa bahay ay nagpalit agad ako ng damit at nagluto ng adobo. Ito ang specialty ni Mama na tinuro niya sa akin at madalas pinupurihan ni Ate Agnes kapag binibigyan ko siya. Alam kong hindi dito kakain si Kuya Jules dahil may baon siyang kanin pero dinagdagan ko pa rin ang niluto para maiinit lang mamaya.
Napagod ako at natulog bandang alas-una ng hapon. Alas-kwatro na nang magising ako ulit. Nakita ko ang dami ng labahin sa gilid kaya nagdesisyon akong labhan ang mga damit ni Tito Jules.
Habang namimili ng mga damit ay napansin ko ang suot niyang damit kahapon. Kinuha ko iyon at inamoy.. Hindi iyon masangsang, bagkus ay mabango iyon.
Nagdala pa ako ng iba pang damit at tumayo.
1 Comments
Bakit bitin at kulang
ReplyDelete